Friday, January 15, 2010

Pusong Mundo


Pusong Mundo
Chatkick - January 14, 2010

Ang mundo ay bilog,
Ang puso ay pula,
Ang mundo ay umiinog,
Ang puso ay pinalalaya.

Ikaw, ako, tayo ay naririto,
Nakasilong sa iisang mundo,
Umaasa sa pagpatak ng ulan,
Na siyang sasabay sa pusong luhaan.

Sa mundong walang hindi magulo,
Ang maghintay sayo ay isang luho,
Oras na lumilipas dahil sa'yo,
Malaking kawalan sa isang tulad ko.

Ngunit 'bakit nga ba?'
Katanungan din nila,
Sa iyo ay laging umaasa,
Dulot mo nga ba'y luha? o saya?

Saan ako huhugot ng sagot?
Saan ipapaling ang lungkot?
Kelan mawawala pagkabugnot,
Mga araw ay sadyang nakakabagot.

Sa mundong may lungkot at saya,
Nararapat pa bang sayo'y umasa?
Hindi na daw, sabi nila,
Tama nga siguro sila aking sinta.

Wala nang hinihiling pa,
Kundi makita kang masaya,
Oo na, ipokrita na,
Salamat na lang, pwede ba?

Datapwat kung mundo ay hugis puso,
Maging ang dagat ay magiging dugo,
Sana naman puso'y bumilog,
Katulad ng gulong na gumugulong.

No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...