Nagbabalak sana akong magsulat ng blog hinggil sa pangyayari kagabi sa aming party. At ang mga pangyayari pa sa nagdaang mga oras dahil wala pa akong tulog ni isang segundo. Ngunit ito ay napalitan na, saka ko na lamang isusulat ang tungkol duon s panahong bumalik na aking sigla.
Minsan may mga biro na hindi nakakatuwa. aya na lamang ng biro sa akin ng isang matalik na kaibigan patungkol sa aking walang humpay na pagtulong sa kanila. Ang sabihing may intesyon akong mas malalim kaya ginagawa ko ang mga tulong ko sa kanila ay parang bombang sumabog sa aking harapan. I didn't see it coming specially from him of all people.
Biro lamang nga daw yun ayun sa kanya. Ngunit hindi ko maikakaila na masakit yun sa aking pandinig. Lahat ng labag sa aking prinsipyo ay nagdudulot ng labis na sakit sa akin. Kahit anong pananalita na kumukuwestyon sa aking pamamaraan ng pamumuhay na sa tingin ko naman ay walang masama ay labis na nakakagimbal sa aking maayos na pag-iisip. Pabiro, lantaran o kahit anu pa man. Ang paratangan ako ng isang bagay ay hindi talaga katanggap-tanggap.
Ako ay tumutulong dahil yun ang alam kong tama. Nagbibigay din ito ng ibayong kasiyahan sa akin, masakit isipin na sa kabila nito ay may magbibigay ng ibang kulay at anggulo sa aking mga ginagawa. Hindi ko gawain ang manumbat at magbilang ng mga 'tulong' kaya hindi ko iisa-isahin ang mga ito. Simpleng pasasalamat lamang nga pwede na sa akin eh. Kahit ang ipakita lamang sa akin na may saysay ang mga ginagawa ko ayos na. Madali lamang ang lahat para sa akin. Madaling maintindihan ang lahat ng bagay, madaling kausap. Kahit sobra ang aking pag-ngingitngit, iniisip ko pa rin sya at gagawing tulungan sa paghabilin sa kanyang kapatid ng dapat gawin at hindi dapat isantabi lamang. Sana magawa ng kuya nya.
Sa kasalukuyan ako ay talagang malungkot, nasaktan sa birong kanilang binitawan sa aking harapan kanina lamang. Nagbalak pa naman akong maglagay ng picture sa kasalukyan para sa aking blog na sa kabila ng mahigit 24 oras na walang tulog ay maayos pa rin. Kanina yun habang sakay ako ng jeep patungo dito sa opisina.
Hindi na ngayon, sabog ang itsura ko at maga ang mga mata. Sana mapawi nito ang aking kalungkutan. Sana kasabay ng pag-agos ng aking mga luha ay ang pagkapawi ng sakit sa kaibuturan ng aking kalooban. Madali naman akong magpatawad yun ang pagkakakilala ko sa aking sarili, kailangan ko lamang ng oras.
And I need to this song to cheer me up to remind me of a new day full of joy:
Umagang Kay Ganda - Janno Gibbs with Vernie Varga
No comments:
Post a Comment