Saturday, January 3, 2009

Alay sa Aking mga Magulang

**Itong tula ay ginawa ko para sa selebrasyon ng aking mga magulang ng kanilang ika-tatlumpu't limang pagsasama bilang mag-asawa. Na akin namang babasahin mamaya sa salo-salong gaganapin.

Alay sa Aking mga Magulang

Nagsimula sa isang tinginan,
Nauwi sa isang kasalan,
Nagtayo ng masayang tahanan,
Napuno ng pagmamahalan.

Sa piling ng bawa't isa,
Ang lahat ay nag-umpisa,
Pagtaguyod sa kanilang pamilya,
Naing pangunahing mithiin nila.

Salamat at ako'y naging supling nila,
Mapalad at masaya sa piling ng pamilya,
Maraming aral ang itinuro sa amin moong kami'y bata pa,
Na aming dadalhin kahit tumanda pa.

Sila'y halimbawa ng masayang buhay,
Dahilan ng aking masaganang pamumuhay,
Makita sila ako'y napapangiti
Ang magkaroon ng buhay-may-asawa tulad nila aking minimithi.

-Chatkick, January 2, 2008

2 comments:

tosinpdx said...

That's so sweet of you to write them this poem :)
Happy Anniversary to your parents :)

chatkick said...

Hehehe...Thank you po ate...nakasanayan ko na po eh..^_^

I will post pictures of the event...you'll see RM...so gwapo na!:D

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...